Miyerkules, Agosto 31, 2011

.bakit?


Umaandar na ang pampasaherong jip. Mahuhuli na kami ng kaibigan ko. May importanteng bagay pa kami na ipapasa sa araw na ito na hndi pwedeng ibalewala. Kung hindi namin to mapasa sa araw na to, hindi ko na lam pa ang mangyayari saken.

Sa loob ng maikling panahon, nagipon ako ng determinasyon para lang sumali sa larong iyon. Pero sa araw bago ngayon, hndi ko naramdaman ang sipag.kahit ang konting determinasyon na naipon ko, lahat iyon naglaho.

11:50am

Pasakay na kami ng pampasaherong jip.Ngayon, hindi ko sigurado kung makakapagpasa kami. Sumasabay sa bigat ng kalooban ko ang bigat ng langit. Bubuhos ang ulan.

sa di malamang oras..

Nasa kalagitnaan na kami ng NLEX. Umuulan ng malakas...Batid ko ito dahil ang panaka-nakang ambon ay dumadampi sa aking balat. Nagaalala akong baka mabasa ang bagay na pinaghirapan ko.
Nagkkwentuhan kami ng aking kaibigan. hindi namin namalayan ang tila bagyong buhos ng ulan.

nang biglang...

Nagpreno ang sasakyang aming lulan. Biglaan.Mabilis.Nakikisabay ang gulong sa agos ng tubig na patuloy pang sumasakop sa buong daanan. Nagulat ang lahat.

"grabe yung truck sa gilid, anlapit-lapit na sa atin..sobrang lapit..babangga na saten.."
Nabalutan ako ng  takot at hilakbot sa aking nalaman.Hindi ko napansin ang malaking sasakyang sana'y tumama sa amin. Oo..muntik nako mapahamak.Muntik na kami mapahamak.Muntik na kami mamatay...

mamatay ng hindi naipapasa ang aking pinaghirapan.
nang walang pang nagagawang tatatak sa buhay ng iba.
nang wala pang nararating sa buhay.